Ayaw nang patulan ni Piolo Pascual ang kumakalat ngayon na larawan sa Social Media kung saan yakap-yakap siya ng anak na si Iñigo habang natutulog ang huli.
Ayon sa Kapamilya actor, ganoon talaga sila ka-affectionate ng kanyang anak.
Kasabay ng pagiging viral ng naturang larawan, may ilang humanga sa magandang relasyon ng mag-ama.
Pero, may ilang netizens na nilagyan ng malisya ang nasabing larawan at ginawan pa ng kwento.
Muli namang iginiit ni Papa P. Na wala na siyang panahon para patulan ang kanyang mga basher at hater sa social media.
By: Meann Tanbio