Inamin ng ‘Love Me Tomorrow’ movie lead star na si Piolo Pascual na may naging relasyon siya sa isang mas matandang babae.
Sa isang interview kasama ang co-stars na sina Dawn Zulueta at Coleen Garcia, sinabi ni Pascual na noong nasa late 20s siya ay nakarelasyon niya ang isang aktres na 10 taong mas matanda sa kanya.
“Mutual naman ‘yun. I didn’t want it, or parang we didn’t want it kasi pareho kaming nasa trabaho, nasa iisang show kami, so parang,” Pahayag ni Pascual.
Hindi naman nito ni-reveal kung sino ang tinutukoy na babae.
Sa pelikulang ‘Love Me Tomorrow’, ay ma-iinlove ang karakter ni Piolo sa isang fashion designer na mas matanda sa kanya na ginagampanan ni Dawn Zulueta, na magkakaroon naman ng kompetisyon sa karakter ni Coleen Garcia.
Sa direksyon ni Gino Santos, showing na ngayon ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa.