Itinalaga bilang celebrity ambassador ng Optical Media Board si Piolo Pascual.
Kaugnay nito, nangako si Piolo na isulong ang laban sa piracy sa pelikula.
Sinabi ni Piolo na malaking pribilehiyo para sa kanya na magamit ang pagiging artista sa mga tamang adbokasiya.
Batay sa Optical Media Act of 2003, mandato ng board na pag-aralang maigi ang mga kwalipikasyon ng mga tao o establisyimento na may kinalaman sa paggawa at pagpapapakalat ng optical media.
By Avee Devierte