Proud na proud.
Ito ang masasabi ng aktor na si Piolo Pascual sa anak nitong si Iñigo na nagdidiwang ng ika-18 kaarawan ngayong araw.
Ayon kay Piolo, masarap sa pakaramdam na makitang lumalaki at nagma-mature ang kanyang anak.
Hangad ni Piolo na masubaybayan pa ang anak lalo na ang takbo ng karera nito sa mundo nila sa Showbiz.
Kasabay nito, pinayuhan ni Piolo ang anak na si Iñigo na maging mapagkumbaba ito at pahalagahan ang mga tao sa paligid sa kabila ng mga tagumpay na nakakamit nito ngayon.
By: Ralph Obina