Naghahanda na ang Kapamilya Star na si Piolo Pascual para sa kanilang upcoming film na “Children of the Lake” ng kapwa Kapamilya at action star na si Robin Padilla.
Ayon kay Piolo, ang nabanggit na pelikula ay hango sa Marawi siege at tunay na naganap sa limang buwang digmaan.
Inihayag ni Papa P. na gaganap siya bilang isang sundalo at team leader nila si Robin kasama ang aktres na si Mylene Dizon.
Puspusan na aniya ang kanilang training para sa gun handling at iba pang action stunts.
Aminado si Piolo na nag-e-enjoy sa mga action scene tulad sa mga nakaraan niyang gaya ng ABS-CBN teleserye na “Lobo” noong 2008.
Malaking hamon naman para sa cast ng “Children of the Lake” na gawin ang shooting sa actual ground zero sa Marawi City.
Isa si Piolo sa mga co-producer ng nabanggit na pelikula na i-di-direct naman ni Joyce Bernal.
Samantala, handa naman si Papa P. para sa posibleng pagtatambal muli nila ni Claudine Barretto sa isang pelikula.