Lagda na lamang ni Pangulong Noynoy Aquino ang kailangan upang isabatas ang panukalang Centenarians Act.
Inendorso kay Pangulong Aquino ang naturang panukala matapos i-adopt ng Kamara ang Senate Bill 449 na inamyendahan mula sa House Bill 5780.
Noon pang June 9, 2015 inaprubahan ng Kamara ang bersyon nito ng “centenarians act” na nakapaloob sa House Bill 5780 habang nito lamang May 23, 2016 ipinasa ng senado ang Senate Bill 449.
Sa ilalim ng bill, ang mga Filipino na aabot sa edad Isandaan nasa bansa man o ibayong dagat ay pararangalan ng Pangulo kabilang ang Centenarian Gift na 100,000 Pesos dahil sa pambihirang biyaya ng mahabang buhay at kanilang kontribusyon sa mga komunidad.
Alinsunod din sa panukalang batas, idedeklara ang September 25th kada taon bilang “National Respect for Centenarians Day.”
By: Drew Nacino