Umapela ang Philippine Inter-Island Shipping Association (PISA) sa Philippine Ports Authority (PPA) na gawing libre muna ang ilang bayarin o ‘waiving of fees’ ng shipping lines na bahagi ng relief efforts sa mga lugar na tinamaan ng bagyong odette.
Ayon kay PISA Executive Director Attorney Pedro Aguilar, may anim aniyang malalaking cargo shipping companies na kabilang sa pisa ang tumutulong sa paghahatid ng relief sa mga biktima ng bagyo.
Maaari naman aniyang hindi magbayad ng terminal fee.. Ngunit ito ay para lamang sa mga roro vessel at hindi kasama ang cargo ships tulad ng kanilang mga miyembro.
Samantala, umapela rin ito sa Department Of Transportation (DOTR) at metro manila development authority na i-exempt muna sa truck ban ang delivery ng relief goods sa manila at mga apektadong daungan. — sa panunulat ni Airiam Sancho