Tuloy ang pisikal na pagpasok ng mga senador sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, natanggap na nya ang liham ni Minority Leader Franklin Drilon na tumututol sa pisikal na pagpasok ng mga senador.
Sinabi ni Sotto na gagawa sila ng bagong rules sa Lunes na aayon sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa harap ng COVID-19 pandemic.
Gayunman, kailangan muna anya nilang pisikal na pumasok dahil ito ang sinasabi sa ating konstitusyon.
Nagpahayag si Sotto ng pangamba na dumating ang araw na may kumuwestyon sa gagawin nilang virtual session nang walang bagong rules.
Una nang iginiit ni Drilon ang teleconference sa pagsasagawang sesyon dahil sa panganib anya na dala ng COVID-19 pandemic.