Patuloy ang paglakas ng piso kontra dolyar.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nagsara ang palitan kahapon sa P54.87 kada U.S. dollar.
Kumpara ito sa P55.11 na exchange rate noong Lunes.
Ito na sa ngayon ang pinaka-malakas na performance ng piso simula noong Hunyo 30 ng isang taon kung saan umabot sa P54.97 centavos ang palitan.
Kabilang sa itinuro ng BSP na dahilan ng paglakas ng piso ay pagtaas ng remittances mula sa mga Overseas Filipino noong holiday season.