Sumadsad ang halaga ng piso sa pinakamababang antas sa nakalipas na mahigit 10 taon.
Nagsara ang palitan sa 51.77 kontra sa dolyar mula sa 51.54 noong Martes.
Paliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, isa sa mga dahilan ng paghina ng piso ay ang lumalaking pangangailangan sa dolyar dulot ng infrastructure program ng pamahalaan.
Kumpiyansa naman ang BSP na malakas pa rin ang ekonomiya ng bansa at makababawi ang halaga piso.
—-