Patuloy ang pagbagsak ng piso kontra dolyar.
Kahapon nagsara ang palitan sa 52 pesos and 700 centavos mula sa 52 pesos and 490 centavos noong Huwebes.
Ito na ang pinakamahinang antas ng halaga ng piso kontra dolyar sa loob ng halos labindalawang (12) taon.
Sinasabing nakadagdag sa paghina ng piso ang lumaking trade deficit ng bansa na nasa 3.62 billion dollars.
Nangangahulugan itong mas marami ang inangkat ng Pilipinas kaysa sa iniluwas o inexport nito.
—-