Nananatiling isa sa pinakamalakas pa rin ang piso sa Asya.
Ito’y ayon sa Department of Foreign Affairs sa kabila ng pagbaba ng halaga ng piso sa 1.05% kontra dolyar ngayong taon.
Paliwanag ni finance Undersecretary at Chief Economist Gil Beltran sa 11 Asian currencies, isa pa rin ang piso sa apat na malakas na salapi.
Ito aniya ay dahil ang piso ay hindi ganoong ka-agresibo o pabago-bago gaya ng ibang salapi sa asya.
Ani beltran malaki ang naging paggalaw ng ibang pera sa Asya dahil sa dumaang pandemya nuong 2020 ngunit ang piso ay maituturing na matatag sunod sa Thai baht.