Nabigong palakasin ng mas mataas na Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ang halaga ng piso kontra dolyar at main index ng local stock exchange.
Bumagsak ang piso sa 58.19 matapos umakyat sa 57.99 noong Miyerkules.
Binuksan nito ang araw sa 58.08 at nakipagkalakalan sa pagitan ng 58.25 at 58.00 ang average level para sa araw ay nakatayo sa 58.125.
Humina ang volume sa 792 million dollars mula sa 1.11 billion dollars noong nakaraang session.
Samantala, bumagsak rin ang Philippine Stock Exchange Index (PSEI) ng 1.19%, o 74.11 points, sa 6,167.57 points.
Sinundan ng all shares ang pagbaba ng 0.46%, o 15.08 points, sa 3,277.66 points at bumaba rin ang kalahati ng mga sectoral gauge katulad ng holding firms, 3.50%; financials, 0.99%; at industrial, 0.60%. - sa panulat ni Hannah Oledan