Inaasahan ang paghina pa ng piso kontra dolyar sa mga susunod na araw.
Ayon sa financial analyst na si Astro del Castillo, posibleng umabot sa 52 hanggang 53 pesos ang palitan ng piso kontra dolyar.
Paliwanag ni Del Castillo, dahil sa patuloy na pagganda ng ekonomiya ng Estados Unidos, tumataas din ang halaga ng dolyar.
Gayunman, sinabi ni Del Castillo na meron pa rin itong positibong epekto sa ekomiya ng bansa tulad ng paglakas ng export sector at magandang remittances mula sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs.
—-