Bahagyang lumakas ang palitan ng piso kontra dolyar kahapon bunsod ng pagliit ng budget deficit ng gobyerno para sa buwan ng Nobyembre.
Tumaas ng isang sentimo ang piso sa 55.09 mula 55.10 laban sa greenback ayon sa Bankers Association of the Philippines.
Samantala, nakikita naman ni Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort na lalakas pa ang palitan ng pisa kontra dolyar sa 55.00 pesos hanggang 55 pesos at 20 centavos. – sa panulat ni Hannah Oledan