Inihayag ng Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP) na maaaring hindi magkaroon ng paggalaw sa peso dollar exchange rate.
Sinabi ni ECOP president Sergio Ortiz Luis, mananatili sa estado ang palitan ng piso kontra dolyar at kung magkakaroon man ito ng paggalaw ay hindi ito gaano kalaki.
Ito’y kahit na aniya tumaas ang inflation rate na naitala nuong nakaraang buwan kung saan umabot ito ng 8%.
Maliban dito, napakalaking parte din dito ang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Nakadagdag pa rito ang girian sa pagitan ng Russia at Ukraine na nauwi pa sa sanction laban sa suppliers na lalong nagpahigpit sa suplay ng langis.