Napanatili ng piso ang matatag na halaga nito kontra US dollar.
Ito’y matapos pumalo sa P56.90 ang palitan kahapon, ang ikalimang sunod na araw na nasa 56 level ang halaga ng piso.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas monetary board member bruce tolentino, inaasahan na nilang huhupa ang exchange rate sa susunod na buwan.
Ang agresibong aksyon anya ng BSP ang naging dahilan upang maging matatag ang halaga ng piso kontra dolyar.
Magugunitang bumalik sa 56 level ang halaga ng piso noong November 23 habang naabot na nito ang pinakamababang record rate sa halagang 59 pesos kada dolyar noong September 29. —mula sa panulat ni JennPatrolla