Inihayag kahapon ng Bankers Association of the Philippines na muling bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar.
Sa datos, mula sa huling P55.97 centavos ay sumampa na sa P56.37 centavos ang katumbas ng isang dolyar.
Nabatid na ito na ang pinakamalapit sa all-time low record na naitala noong october 2004 na P56.45 centavos.
Samantala, ang halaga ng palitan na naitala kahapon ay minarkahan naman na ikalawang beses na lumagpas sa P56 ang antas ng piso ngayong taon.