Lumakas ang piso kontra sa dolyar sa ika apat na araw ng trading week.
Rumehisto sa 52. 04 ang halaga ng piso kontra sa dolyar kumpara sa 52. 32 na closing rate sa mid week trading.
Ayon kay Guian Angelo Dumalagan, market economist sa Land Bank of the Philippines, bumawi ang piso dahil sa profit taking mula sa mga nakinabang sa pababang halaga nito sa unang bahagi ng linggong ito.
Ito ay limang sunud sunod na trading days na humina ang piso kontra sa dolyar.
Sinabi ni Dumalagan na posibleng gumanda pa ang halaga ng piso matapos ang 25 basis point rate cut ng BSP sa kabila ng inaasahang pagkunsider ng local central bank sa mas malakas na rate cut.