Umabot na sa anim (6) na milyong piso ang nalilikom ng online petition fundraising campaign na inilunsad ng mga supporters ni Vice President Leni Robredo.
Ito ay para tulungan ang Pangalawang Pangulo na i-finance ang counter protest nito laban kay Senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal o PET.
Ayon kay Museo Pambata Founder Nina Lim-Yuson, kabilang sa mga nagsusulong ng ‘Piso Para sa Laban ni Leni Campaign’, ang suportang kanilang nakuha ay pagpapakita lamang na pinapahalagahan at pinoprotektahan ng mga Pilipino ang kanilang boto.
Hindi aniya sila bibitiw at magpapatuloy sa kanilang paglikom ng pondo hanggang sa makuha nila ang kabuuang halagang kinakailangan ni Robredo.
Una nang pinalawig ng PET ang deadline para sa pagbabayad ng natitirang 7.43 million pesos para ma-proseso ang kontra protesta ni Robredo.
By Rianne Briones