Sumadsad sa pinakamababang lebel sa huling labing tatlong (13) taon ang halaga ng piso kontra dolyar.
Ito ay matapos magsara sa P54.13 ang palitan ng piso kontra dolyar kahapon.
Mas mababa ito ng P0.19 sa naging palitan noong Martes na P53.94 centavos.
Huling naitala sa 54 pesos ang halaga ng piso kontra dolyar noong December 2005.
Isinisisi naman ito ng mga market analyst sa US China trade war ang paglobo sa trade deficit at pagtaas ng inflation ng bansa.
Gayundin ang nananatiling mataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa world market.
—-