Sumadsad sa pinakamababang lebel ang piso sa loob ng labing dalawang taon.
Kasunod ito ng pagsasara ng palitan sa 54 pesos 23 centavos kada isang dolyar kahapon.
Mas mababa ito ng 19 sentimo kumpara sa naging halaga ng piso kontra dolyar noong Biyernes.
Ito na rin ang naitalang pinakamababang halaga ng piso simula noong Nobyembre ng taong 2005 kung saan bumagsak sa 54 pesos 30 centavos ang halaga ng piso.
Ayon naman sa ilang eksperto, ang paghina ng piso ay resulta ng pagkansela ng China sa pakikipag-usap sa Amerika sa usapin ng kalakalan.
Gayundin, ang tumaas na demand sa dolyar kasunod ng inaasahang pagtaas ng interest rate ng Amerika.
—-