Inaprubahan na ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pisong (P1.00) dagdag sa pasahe sa jeepney.
Ito’y kasunod ng inihaing umento sa pasahe ng grupong Alliance of Concerned Transport Operators o ACTO noon pang isang taon.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, saklaw ng pisong taas-pasahe ang mga jeepney mula sa Metro Manila, Central Luzon o Region 3 at Southern Tagalog Region o ang CALABARZON at MIMAROPA.
Dahil dito magiging otso pesos (P8.00) na ang minimum na pasahe sa jeepney mula sa kasalukuyang siete pesos (P7.00) sa unang apat na kilometro.
Epektibo ang pisong (P1.00) dagdag singil sa pasahe sa jeepney sa Miyerkules, Pebrero 8 ng taong kasalukuyan.
By Jaymark Dagala