Ipatutupad na simula bukas ang dagdag pisong (P1.00) pasahe sa jeep sa halip na ngayong araw alinsunod sa abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Apektado ng dagdag-pasahe ang mga jeep sa National Capital Region, Region 3 o Central Luzon at Region 4 o CALABARZON.
Nilinaw naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi permanenteng fare hike ang inaprubahan ng LTFRB Board kundi provisional o pansamantalang increase lamang upang maibsan ang himutok ng mga driver at operator ng jeep dahil sa sunud-sunod na oil price increase.
Gayunman, dapat anyang nakapaskil sa loob ng jeep ang notice of provisional fare increase upang malinaw itong makita ng mga pasahero.
By Drew Nacino