Naging matagumpay ang pagdiriwang ng pista ng itim na nazareno sa kabila ng muling paghigpit ng restriksiyon sa metro manila sa ilalim ng Alert level 3.
Ayon sa Manila Police District (MPD), mahigpit na binantayan ng 2K mga pulis ang buong paligid ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church upang tiyakin kung nasusunod ang health safety standards na ipinatutupad ng IATF.
Sa kabila ng pagkansela ng Simbahang katolika at Manila City Government sa pagdaraos ng tradisyunal na Traslacion para sa poong Nazareno ay ilang mga deboto pa rin ang nagtangkang magtungo sa naturang simbahan upang mamanata.
Una nang inabisuhan ang publiko na dumalo na lamang ng banal na misa online upang maiwasan ang anumang paglabag maging ang hawahan ng COVID-19.
Samantala, wala namang naitalang anumang untoward incidents matapos ang nasabing okasyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero