Naging mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng pista ng Poong itim na Nazareno, ngayong araw.
Ito ang inisyal na pahayag ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Office of the Mayor sa lokal na pamahalaan ng maynila, kaugnay sa pagbabantay sa bahagi ng simbahan ng Quiapo at Quirino Grandstand.
Aniya, “Very peaceful and orderly” ang pista sa kasalukuyan.
Batay sa latest report ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), walang naiulat na emergencies.
Samantala, tiniyak ni Abante, na naka-standby pa rin ang lahat ng Emergency at Security Teams sa Quiapo at Quirino Grandstand.