Nagsimula na ngayong araw ang Pista ng Pelikulang Pilipino na inorganisa ng FDCP o Film Development Council of the Philippines bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Agosto.
Ang Pista ng Pelikulang Pilipino ay tatagal hanggang Agosto 22 kung saan 12 mga piling pelikulang Pilipino ang tanging ipalalabas sa lahat ng sinehan sa bansa.
Kabilang sa mga naturang pelikula ay ang Isang Daang Tula Para Kay Stella na pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos; Ang Manananggal sa Unit 23B nina Ryza Cenon at Martin del Rosario; Awol nina Gerald Anderson at Dianne Medina; Bar Boys nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda at Kean Cipriano; Birdshot nina Mary Joy Apostol, Arnold Reyes, John Arcilla, and Ku Aquino.
Kasama rin ang pelikula nina Zaijan Jaranilla, Teri Malvar, and Sam Quintana na Hamog; Paglipay (Crossing) nina Garry Cabalic, Anna Luna, Joan dela Cruz, and Marinella Sevidal; Patay na si Hesus ni Jaclyn Jose; Pauwi Na (Pedicab) nina Bembol Roco at Cherry Pie Picache; Salvage nina Jessy Mendiola at JC de Vera; Star na si Van Damme Stallone nina Candy Pangilinan, Paolo Pingol, at Jadford Dilanco at ang Triptiko nina Kylie Padilla, Kean Cipriano, Albie Casino at Joseph Marco.
Kasabay nito ay umaasa ang FDCP na tatangkilikin ng publiko ang nasabing mga pelikula.
By Krista de Dios