Kasado na ngayong araw sa Lungsod ng Maynila ang pagdaraos ng Pista ng Sto. Niño.
Ito ay matapos ang dalawang taong pagkakatengga dahil sa Covid-19 pandemic.
Ginaganap ang Pista ng Sto. Niño. o Divine Child na kinikilalang Patron Saint ng mga Bata, tuwing sasapit ang ikatlong linggo ng Enero bawat taon.
Bahagi nito ang lahat ng simbahan kung saan pagkatapos ng misa ay tampok sa prusisyon ang iba’t ibang imahen ng Divine Child na hawak ng mga bata, mga matatandang babae at lalake at iba pang deboto at namamanata sa Sto. Nino.
Bahagi rin ng pagdiriwang ng Pista ng Sto.Nino ang pagbibigay buhay sa mga tradisyon na kaugnay ng kapistahan.
Ang imahen ng Sto. Nino ay nagpapagunita rin sa atin na may mga bagay na kahanga-hanga sa mga bata, kung saan ito rin ang magandang tagapagpagunita upang ang mga bata ay mahalin, kalingain at alagaan ng kanilang mga magulang at ng pamahalaan.