Nakapiit pa rin sa custodial facility ng New Caloocan City Hall ang anim na jeepney driver na inaresto matapos magkilos protesta sa Monumento sa Caloocan City noong Martes ng umaga.
Ang naturang mga tsuper na pawang miyembro ng transport group na Piston ay mananatili umanong nakakulong hanggang sa makapagpiyansa ang mga ito ng P3,000 bawat isa.
Ayon kay Piston Sec. Gen. George San Mateo, nais lamang ng mga tsuper na ito na umapela sa pamahalaan na payagan nang makabalik sa pamamasada ang mga jeep dahil apektado na ang kanilang kabuhayan.
Giit ni San Mateo, kahit nagkilos protesta ang mga ito ay sumunod naman aniya ang mga ito sa physical distancing kaya gawa-gawa lang umano ang kasong isinampa sa mga ito.