Ikinakasa muli ng grupong PISTON ang kanilang dalawang – araw na tigil pasada sa susunod na linggo.
Ayon kay PISTON National President George San Mateo, isasagawa nila ang transport strike sa buong bansa sa Disyembre 4 at 5 bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa jeepney modernization program ng pamahalaan.
Giit ni San Mateo, mga negosyante lamang at dayuhan ang makikinabang sa jeepney modernization program at pang – pronta lamang ito ng pamahalaan para maibenta ang electric – powered vehicles sa mga tsuper at operator ng jeep.
Dagdag pa ni San Mateo, aabot sa 250,000 operators at 600 tsuper sa buong bansa maapektuhan ng nasabing phaseout.
Nauna rito, inihayag ng gobyerno na sisimulan na ang pagpapatupad ng pag – phase out sa mga jeepneys na hindi makakapasa sa vehicle inspection test simula Enero 1 sa susunod na taon.
Grupong Piston, ikinakasa muli ang kanilang nationwide protest bilang tugon sa isinusulong na jeepney phaseout ng pamahalaan | via Aya Yupangco (Patrol 5) pic.twitter.com/KH96uw78Fs
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 28, 2017