Muling nag-protesta kontra jeepney phaseout ang mga miyembro ng PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper At Operator nationwide ngayong Lunes.
Nagtipon-tipon muna ang mga miyembro ng PISTON sa Elliptical Road sa Quezon City bago mag 7:00 ng umaga.
Kaagad silang nag martsa patungong East Avenue sa harap ng central office ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board bago naman mag 9:00 ng umaga.
Ang PISTON members at No to Jeepney Phaseout Coalition ay nag vigil muna sa LTFRB office.
By Judith Estrada – Larino