Muling nanawagan sa pamahalaan ang grupong Piston na payagan na silang makabiyahe sa lansangan.
Ito’y matapos palawigin ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Ayon ay Piston national president Mody Floranda, lubhang apektado ang kanilang kabuhayan dahil sa tatlong buwan aniya siyang natigil sa pamamasada.
Dahil dito aniya ay napipilitan nang mamalimos ang ilan sa mga jeepney driver at mangalakal ng basura upang matawid ang pangangailangan ng pamilya.
Kaugnay nito, sinabi ni Floranda na posibleng lumabas muli sila ng kalsada at magsagawa ng kilos protesta para manawagan sa publiko at mga kapwa motorista.