Nagbanta ang grupong PISTON na hindi nila ititigil ang pagsasagawa ng tigil pasada kapag itinuloy ng gobyerno ang implementasyon ng jeepney modernization program.
Binigyang – diin ni PISTON President George San Mateo na hindi sila ang talo sa kanilang hakbang at sa halip ay gobyerno ang lugi dahil nagkakansela pa ng klase at pasok sa opisina dahil lamang sa kilos protesta nila.
Nilinaw ni San Mateo na hindi sila kontra sa modernization program kundi sa aniya’y hindi makatarungang plano na maaaring mag-alis ng hanapbuhay sa halos isang milyong jeepney drivers at operators.
Nasa ikalawang araw na ngayong araw na ito ang tigil pasada ng grupong PISTON.