Dinakip ng mga pulis si Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON President George San Mateo nang magtungo ito sa Quezon City Hall of Justice.
Bahagyang nagkagulo nang harangin ng mga QCPD Police si San Mateo na plano na sanang mag-piyansa para sa kinakaharap na kaso kaugnay ng isinagawang kilos-protesta noong Pebrero.
Pagdating pa lamang ni San Mateo sa QC Hall of Justice kasama sina ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio at Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao ay hinarang na sila ng mga pulis upang i-serve ang warrant of arrest dito.
Dito nagsisigaw si San Mateo na hindi siya kriminal at wala siyang ginawang labag sa batas.
Iginiit pa nito ang karapatan niyang makapagpiyansa at patunay aniya ng pagtungo siya sa QC Hall of Justice na kanyang kinikilala ang hurisdiksyon ng korte.
Dinala si San Mateo sa QCPD Station 10 para sa pagsasailalim sa booking process.
Warrant of arrest order
JUST IN: Arrest warrant laban kay PISTON President George San Mateo, inilabas na ng korte | via LTFRB Spox/ Board Member Atty. Aileen Lizada pic.twitter.com/meAXyYkBTD
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 4, 2017
Matatandaang makailang ulit nang nagkasa ng tigil-pasada ang grupo dahil na rin sa pagtutol sa ikinakasang PUJ modernization program ng gobyerno.
—-