Muling iginiit ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito’y dahil sa overpriced pa ring maituturing ang kasalukuyang presyo ng gasolina at diesel na ibinebenta sa lokal na merkado.
Batay sa kuwenta ng PISTON, P9 overpriced ang presyo ng diesel na dapat nasa P18 ang kada litro mula sa kasalukuyang pump price na P27 pesos kada litro.
Sa presyo naman ng gasolina, overpriced din ayon sa PISTON ng P12dahil dapat nasa P23 pesos ito ngayon kumpara sa pump price na P40 pesos kada litro.
Dahil dito, bukod sa Department of Transportation and Communications (DOTC), kakalampagin din ng PISTON ang tanggapan ng isa sa big three oil players sa Pasig ngayong araw.
By Jaymark Dagala