Nilinaw ng grupong Pinag-Isang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o PISTON na hindi nila tinututulan ang konsepto ng modernisasyon sa transportasyon.
Ito ang iginiit ni PISTON National President George San Mateo matapos i-anunsyo ang kanilang isasagawang dalawang araw na transport strike sa Oktubre 16 hanggang 17, araw ng Lunes at Martes.
Ayon kay San Mateo, ang kanilang tinututulan ay ang balangkas ng modernization program na nais ipatupad ng pamahalaan kung saan kinopya lamang ito sa nakaraang administrasyong Aquino.
Giit ni San Mateo, hindi makasasabay ang mga maliliit na operator at tsuper sa gagastusin para bumili ng mga iaangkat na mga modernong jeepney at bagong prangkisa.
Dagdag pa ni San Mateo, magkakaroon din ng epekto sa mga mananakay ang nais na ipatupad na modernization program ng pamahalaan dahil ipapasa din sa mga ito ang magagastos ng mga operator at tsuper sa pamamagitan ng pagtaas sa pasahe.
Negosyo talaga itong malaki, at hindi ito nag-i-involve ng technology transfer kundi massive importation lamang ng mga dayuhang mga sasakyan na idadagsa dito sa Pilipinas, na napapatay sa kabuhayan ng halos isang milyong maliliit na drayber at operator.
On the other hand naman, magre-resulta sa monopoly of control at super tubo sa mga malalaking dayuhan at lokal na kapitalista na siyang makikinabang.