Walang nakikitang bago si Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) President George San Mateo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay San Mateo, lalong lumala ang problema sa sektor ng transportasyon sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Bagsak din aniya ang ibibigay nilang grado sa hanay ng transportasyon sa pamamalakad ng Pangulo partikular sa Department of Transportation and Communications (DOTC).
Iginiit ni San Mateo na isa sa patunay na palpak ang gobyernong Aquino sa transport sector ay ang nabubulok na Metro Rail Transit (MRT).
“Wala namang bago sa sinabi ni Pangulong Aquino kahapon, para sa amin sa sektor ng transportasyon, malaking pambobola ‘yun, para sa transport sector tres ang ibinibigay namin sa kanya, eh lalong lumubha ang kalagayan ng sektor ng transportasyon sa ilalim ni Pangulong Aquino kung sa kaso naming, kung usapin lang ng tuwid na daan ang pag-uusapan, alam mo ‘yung transport sector department ng gobyerno ang isa sa mga batbat ng korupsyon.” Pahayag ni San Mateo.
By Drew Nacino | Ratsada Balita