Sugatan ang pito katao sa nangyaring pagsabog sa isang planta ng bakal sa San Simon, Pampanga.
Ayon kay Fire Officer 3 Araid Macapayag ng San Simon Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas onse y media kagabi nang makatanggap sila ng ulat hinggil sa isang pagsabog.
Sinabi ni Macapayag, isa sa mga nasugatan ang isang Chinese national na nagtatrabaho bilang consultant ng sumabog na planta ng bakal.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang dahilan at posibleng motibo sa pagsabog.