Patay ang pito habang sugatan naman ang apat pang indibidwal makaraang mabangga ng isang kotse ang isang bahay sa Hungary, Europe.
Base sa imbestigasyon, isang kotse ang umiwas sa isinasagawang checkpoint ng mga otoridad sa Serbian border ng nabanggit na bansa kung saan, sakay nito ang nasa sampung migrante.
Ayon sa mga otoridad, matulin na pinatakbo ng driver ang kaniyang kotse pero lumagpak ito sa isang bahay dahilan ng kaniyang pagkakaaresto.
Nakakulong na ngayon ang suspect na isasailalim din sa proceedings. —sa panulat ni Angelica Doctolero