Patay ang pitong indibidwal sa karambola ng tatlong sasakyan sa national road ng Iasi county sa Northeast Romania.
Ayon sa mga otoridad, ang banggaan ay kinabibilangan ng isang truck, isang ambulansya at isang van kung saan, kritikal ang tatlo pang indibidwal.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, isang truck ang bumangga sa isang ambulansya kung saan sa lakas ng pagkakabangga nito, ay nabangga naman ng ambulansya ang isang van.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng banggaan.—sa panulat ni Angelica Doctolero