Pito sa sampung Pilipino ang nagsabing ‘satisfied’ sila sa performance ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa “Tugon ng Masa” Survey na isinagawa ng OCTA Research, 72% ng mga Pinoy ang nagsabing kuntento sila sa performance ni PBBM.
Mas mababa ito kumpara sa survey ng OCTA noong Oktubre, kung saan nakakuha ang kasalukuyang administrasyon ng 76% na satisfaction rating.
Nakuha ng Marcos Administration ang pinakamataas na rating sa Visayas, 83%, sinundan ng balanced Luzon, 77%; at Mindanao, 67%.
Samantala, 8% naman ng respondents ang dissatisfied sa general performance ng Marcos government.
Isinagawa ang naturang survey noong March 24 hanggang 28, 2023 na may 1,200 respondents nationwide.