Arestado ang pitong hinihinalang terorista na iniuugnay sa umano’y Red October plot o planong pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa ulat ng pulisya at militar, kabilang sa mga naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ang limang mataas na opisyal ng komunistang terorista at dalawang lider ng Maute group.
Ayon kina Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez Jr., nakaambag sa paglusaw ng Red October plot ang pagkakaaresto sa pito.
Magugunitang, inihayag ng militar ang umano’y paglulunsad muli ng CPP-NPA ng planong pagpapabagsak kay Pangulong Duterte sa December matapos sumablay ang October plot.