Pumalo na sa pito katao ang patay habang nasa 120 pa ang nakaratay sa ospital matapos ang diarrhea outbreak sa Siargao.
Ayon kay Surigao Governor Francisco matugas, ang sanhi ng diarrhea ay ang tubig poso na ininom ng mga residente dahilan sa pahirapan ang malinis na inuming tubig na ibiyahe sa kanilang lalawigan.
Sinabi ni Matugas na marami ngayon ang mga naka confine sa Siargao District hospital dahil sa naturang diarrhea.
Dahil dito, nanawagan si Matugas ng karagdagang suplay ng gamot at dextrose para sa mga nakaratay sa mga pagamutan.
Samantala, patuloy namang umaapela si matugas ng tulong tulad ng mga pagkain, malinis na tubig, gamot, kumot at iba pa para sa mga apektadong residente ng kanilang hurisdikyon. —sa panulat ni Kim Gomez