Apektado na ng mainit na panahon ang agrikultura maging ang poultry na kabuhayan sa ilang lalawigan sa Northern Luzon.
Sa Pozorrubio at Mangaldan, pangasinan, nasa 7,000 manok na ang namatay dahil sa heat stroke.
Inihayag ng Pozorrubio Municipal Agricultural Office na kinailangang magsagawa ng disinfection upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Samantala, bumaba naman ang produksyon ng gulay at strawberry sa la Trinidad, Benguet dahil hirap mamulaklak ang mga tanim sa sobrang init bukod pa sa kaunting tubig na dumadaloy mula sa balili river.