Aabot na sa pitong miyembro ng umano’y vigilante group na Davao Death Squad mula sa dating apat ang ipi-presenta ni Senator Antonio Trillanes sa Senado upang isiwalat ang kanilang mga nalalaman sa DDS.
Ayon kay Trillanes, dalawa sa mga testigo ay halos katulad ni Edgar Matobato at aminado ring miyembro ng naturang grupo.
Susuportahan anya ng pito ang mga testimonya nina Retired SPO3 Arturo Lascañas at Matobato sa pamamagitan ng sarili nilang mga testimonya.
Ilan sa mga bagong witness ay lumapit sa kanya habang ang iba ay nagpasaklolo sa simbahang Katolika.
Gayunman, aminado ang Senador na mayroon silang mga tinanggihan na desidong tumestigo sa pangambang mahimok ng kabilang panig na bumaligtad.
By: Drew Nacino / Cely Bueno