Inilagay na ng Bureau of Immigration sa Immigration Lookout Bulletin Order ang pitong opisyal ng Office of the Vice President.
Alinsunod ito sa hiling ng House Committee on Good Government and Public Accountability matapos hindi sumipot ang mga ito sa imbestigasyon ng kongreso hinggil sa sinasabing iregularidad sa paggastos sa pondo ng OVP.
Nilinaw naman ni Commissioner Viado na ang ILBO ay para lamang sa pagmamanman sa mga nasabing opisyal ng OVP, bagamat, hindi nito mapipigilan ang mga OVP officials na makalabas ng bansa.
Ipinag-utos na rin aniya sa mga immigration officer na agarang ipagbigay-alam sa Department of Justice at Kongreso kung sakali mang magtatangkang lumabas ng bansa ang mga nasabing indibidwal. - sa panulat ni John Riz Calata