Nakahanda na ang CPP-NPA na palayain ang pito nilang “prisoners of war” sa lalong madaling panahon bilang bahagi ng peace negotiations sa gobyerno.
Ayon kay National Democratic Front Senior Adviser Luis Jalandoni, magagawa lamang ito kung titiyakin ng militar at pulisya ang kaligtasan ng mga POW at rebeldeng maghahatid sa kanila sa Local Government Officials o International Committee of the Red Cross.
Posible anyang pakawalan ang mga bilanggo bago magsimula ang peace talks sa Abril.
Magugunitang isa sa mga pinag-ugatan ng pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapang pang-kapayapaan ay ang pagpupumilit ng komunistang grupo na palayain ang nasa 400 political prisoner na ipiniit dahil sa iba’t ibang kaso.
By: Drew Nacino