Unti- unti nang dinagsa ng mga pasaherong galing ng kani-kanilang probinsya mula sa bakasyon ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa pahayag ni PITX Spokesperson Jason Salvador, karamihan sa mga pasahero na dumarating sa PITX ay mula sa probinsya nng Batangas at Cavite.
Samantala, sinabi ni Salvador na mayroong K9 na nagbabantay sa mga pasaherong may mga dalang bagaheupang masiguro ang kaligtasan ng mga byahero. —sa panulat ni Airiam Sancho