Ilulunsad ng Parañaque Terminal Exchange (PITX) ang Oplan Undas sa susunod na linggo.
Dahil ito sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.
Katuwang ang Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metropolitan Manila Development Authority at Inter-Agency Council for Traffic, layunin ng programa na matiyak ang kaayusan at kalinisan sa terminal sa darating na Undas.
Nabatid na sinabi ni PITX spokesperson Jason Salvador na nasa 150,000 pasahero ang inaasahan nilang dadating sa terminal habang papalapit ang Undas.