Nilinaw ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na negatibo sa drug tests ang mga driver ng bus na gumagamit ng kanilang terminal.
Ito ay matapos lumabas sa isang ulat na apat sa mga ito ang nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot sa ikinasang random drug tests noong nakaraang linggo.
Aniya, ang mga ito ay sa ibang terminal naka-deploy at hindi sa PITX.
Samantala, aabot sa 61 na mga PUV drivers, conductors at dispatchers ang nagpositibo sa drug test na isinagawa bago ang Semana Santa. - sa panulat ni Abie Aliño-Angeles